Ang Repormasyon ay naganap noong ika-16 na siglo at itinuturing na
mahalagang bahagi ng ating kasaysayan. Iminulat nito ang mga tao sa tila hindi
maiwaksi-waksing ugnayan ng simbahan at ng estado. Ito ay tumutukoy sa krisis
panrelihiyon na kung saan ibinaling ng mga dating Katoliko ang kanilang
paniniwala sa ibang relihiyon o sekta. Sa ibang relihiyon o sekto na ito,
pangunahing ipinatupad ang pagsunod sa mga utos sa kasulatan o Bibliya.
Binigyang diin din ang pagpapanatili ng malinis at kapuri-puring pagkatao ng
kanilang mga miyembro lalo na ang kanilang mga pinuno. Ang mga sumusunod ang sinasabing
mga dahilan ng pag-usbong ng repormasyon: Paghina ng kapangyarihan ng mga Santo
Papa dahil na rin sa pagtutunggalian ng mga ito sa kapangyarihan at
pagpapahayag ng mga kautusan, pagkamulat ng mga tao bunsod ng panahon ng
Renaissance, Pagtuligsa ng ilang grupong kabilang sa estado sa kapangyarihan ng
Santo Papa at ng simbahan.
Si Martin Luther ay isang mongheng
Augustinian na isinilang sa Alemanya. Siya ay nakapagtapos sa Unibersidad ng
Erfurt at naging propesor sa Unibersidad ng Wittenberg. Ang unang-una niyang
tinuligsa sa simbahan ay ang itinuro nitong konsepto sa mga tao ukol sa
kaligtasan ng kanilang kaluluwa. Tinuligsa niya ang mga maling panuntunan ng
simbahan gaya ng idulhensiya ay sinasabing kabawasan ng kaparusahan sa
purgatoryo. Ipinalabas niya ang kanyang Ninety-Five Theses na tumutukoy sa 95
puntos laban sa mga gawain at paniniwalang Katoliko. Tinuligsa rin dito ang
pang-aabuso ng simbahan sa mga salaping nalilikom nito. Dahil dito, binansagang
erehe si Luther. Naging matigas si Luther dahil sa kanyang paniniwalang ang
Bibliya ang tunay na batayan ng pananampalataya at hindi ang mga utos ng Santo
Papa. Dahil na rin sa Kanyang magaling na pagtatalumpati, maraming taong
yumakap sa paniniwalang Lutheranismo.
Marami akong natutunan
at napag-alaman ko na ang repormasyon pala ang dahilan kung bakit naghati ang
simbahang kristiyano. Ayon sa aking mga impormasyon na nakalap ang repormasyon
pala ay itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng ating kasaysayan.
Napag-alaman ko na ito ay tinuturing na krisis panrelihiyon dahil sa pagbaling
ng mga dating katoliko ng kanilang paniniwala sa ibang relihiyon o sekto.
Bilang isang mag-aaral masasabi ko na ang repormasyon ay may magandang naidulot
sa relihiyong kristiyano dahil namulat ang mga tao sa kanilang mga maling
paniniwala ng mga dating katoliko. Masasabi ko rin na meron itong mga
magagandang naidulot sating mga kristiyano, dahil sa aking palagay malaki ang
naitulong nito sa mga kristiyano sa kasulukuyang panahon dahil naimulat nila
ang kanilang mga sarili sa paniniwala sa tanging bibliya lamang.
wala kang silbe
TumugonBurahinano daw ginawa nang 2 am tapos gagananyanin mo? Sus mariosep
Burahin