Ito ang namayaning kaisipan pang- ekonomiya na gumagabay sa
mga patakaran ng maraming bansa sa daigdig noong unang panahon. Isinusulong
nito ang kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng
ginto at pilak dahil sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon
ng kapangyarihan ng isang pinuno sa dami ng ginto at pilak. Nagkaroon ng
MERKANTILISMO dahil sa paniniwala ng mga Europeo na may malaking magagawa ang
ginto at pilak sa katuparan ng kanilang mga adhikain. Nagsimula ang
Merkantilismo noong ika-16 hanggang ika- 18 siglo.Ito ay batay sa konsepto na
ang yaman ng bansa ay nasa dami ng Ginto at Pilak. Umunlad ang komersyo
sa France dahil ipinatupad ni Jean Baptiste Colbert ang merkantilismo. Kinailangan
nila ng maraming magtatrabaho sa kanilang mga taniman na halos isang pamayanan.
Nagwakas ang kalakalan ng mga alipin pagkatapos ng digmaang sibil noong
1861-1865.
Natutunan ko na ang merkantilismo ay kaisipan
pang-ekonomiya na umiikot lamang sa dami ng ginto at pilak. Bilang mag-aaral
tutol ako sa ganitong uri ng kaisipan sapagkat mas binibigyan nila ng halaga
ang mga ginto at pilak. Kung ako ay nasa panahong ito sisikapin ko na baguhin
ang kanilang pananaw sapagkat mali ang ganitong uri ng pananaw. Bilang isang
mag-aaral masasabi ko na hindi ito makatarungan at hindi magandang uri ng
pananaw na sa dami ng ginto at pilak ng isang pinuno masusukat ang kanilang
kapangyarihan. Tutol ako sa ganitong uri ng pananaw dahil bilang isang tao
hindi tama na sukatin ang kapangyarihan at pamumuno ng ibang tao base sa dami
ng kanilang ginto at pilak o mga salapi. Marami akong natutunan sa
merkantilismo at natutuwa ako dahil nailabas ko ang aking mga saloobin dito.
Ang mga nakasulat kong repleksyon ay mga opinyon lamang at hindi dapat
seryosohin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento