- Katapat ito ng
pyudalismo.Ito ay sistemang gumagabay sa sa paraan ng pagsasaka ,sa buhay
ng magbubukid at ugnayan sa lord ng manor Ang manoryalism o manoryalismo
ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang magbubukid ay nagbibigay
serbisyo sa isang pyudal na hari o nagmamay-ari ng lupa kapalit ang
proteksyon.Ang yaman ng lord ay mula sa pawi ng mga magbubukid.ibinigay
nila ang kanilang lupa kapalit ang proteksyon.ang iba naman ay nawalan ng
lupa dahil sa pagkakautang sa dugong-bughaw.kinalaunan,ang lupa ay
napasakamay ng lord,ang mga lupaing ito ay bumuo ng isang manor
- Ang manor ay isang malaking
lupaing sinasaka hayop ng
karaniwang tao
- Ang Pagsasaka ng Manor - Ang
pagtatanim ay ginagawa ng magbubukid.sila ay nagtratrabaho sa lupain ng
lord,3 araw sa loob ng isang Linggo Ang sistemang manor ang sentro ng
lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito Three field system-
sitema ng pagtatanim na sinusunod ng manor,una maaring tamnan,pangalawa
gulay at pangatlo hindi tatamnan. Ang sistemang ito ay sinusunod upang
mabawi ng lupa ang sustansya nito.
- Alipin- ang mga alipin ay
pwedeng bilhin at ipagbili tulad ng isang hayop Serf-sila ay hindi maaring
umalis at paalisin sa manor.Nagsasaka sila ng walang bayad kundi
kapirasong lupa at proteksyon mula sa mga knight ng kanilang lord Freeman-
sila ay ang mga pinalayang alipin na kadalasang mayroong sariling lupa
- Ang Nayon – sa tabi ng isinasakang ng
bukid ay may isa o dalawang nayon kung saan naninirahan ang mga magbubukid
ng sinasakang lupa.
- Ang kastilyo ay ang tirahan
ng lord,itinayo ito upang ipagtanggol laban sa kaaway
- Ang mga silid ng kastilyo ay
madilim,malamig at amoy amag. Sa gabi,ang lord ng kastilyo ay inaaliw ng
mga payaso,bukas ang kastilyo sa mga manlalakbay dahil nag-bibigay sila ng
mga balita tungkol sa ibang lugar . Sa panahon ng taglamig,iilan lamang
ang napapainitan.Kadalasan ang mga silid ay napupuno ng usok. Sadyang
mahaba ang antas ng kalinisan sa panahong ito. Ang kastilyo ay bukas din
para sa mga tumutugtog ng musika,tumutula o umaawit tungkol sa
pag-ibig,pakikisapalaran at pakikipaglaban ng mga knight.
- Sapat sa Pamumuhay ng Manor
- Sapat sa pangangailangan ng kanyang mamayan ang manor.Sapat sa
pagkain,damit at tirahan.Ang inaalagaang tupa ay nagbibigay ng lana,ang
mga kambing at baka ay nagigigay ng katad.Ang gubat ay pinagkukunan ng
kahoy.Kakaunti ang karneng baka dahil salat sa dayami na ipinapakain sa
baka tuwing tag- lamig.Pag namatay ang baka o masyadong mahina,kinakatay
ito sa panahon ng tagalagas.Ang karneng baboy ay higit na marami dahil
madali ito makahanap ng pagkain.Ang pangaraw-araw na kinakain sa manor ay
dinadagdagan ng manok,prutas at mga gulay.ang gatas ay hindi ginagamit
sapagkat ginagawa itong keso.Ang pangunahing inumin ay cider,serbesa at
alak.
Sa aking palagay ang manoryalismo ay isang magandang sistema pagdating sa ekonomiya dahil ayon sa aking pagsusuri ang manoryalismo ay may sinusunod na Three Field System upang mabawi ng lupa ang sustansiya nito. Napag-alaman ko rin na ang manor ay isang malaking bahagi ng lupa. Ayon sa aking pagsusuri na sa sistemang manoryalismo ang lupa ay may malaking halaga sa kanila. Bilang isang mag-aaral masasabi ko na hindi makatarungan ang ang sistemang manoryalismo base sa estado o istraktura ng tao sa kanilang lipunan pagdating sa mga alipin dahil inaalipusta nila ang mga alipin na parang mga hayop sa pamamagitan ng pagbili at pagbenta nila dito. Ayon sa aking mga pagsusuri ang sitemang manoryalismo ay nararapat lang na hindi nagtagal ng mahabang panahon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento