- Feudalism o Pyudalismo • Ito
ay hango sa salitang “feodus” o “fief”,salitang tumutukoy sa lupa na
ibinigay sa unang basalyo (vassal) . • Isang sistema ng pamamalakad ng
lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ay ibabahagi sa
vassal at bibigyan ng proteksyon,at bilang kapalit manunungkulan ang
vassal ng tapat at pagsisilbihan ang kanyang hari.
- King o Hari - Pinakamataas
sa lipunan ng pyudalismo.Tawag din na liege o suzerain,siya ang
nagmamay-ari ng lupa.Nagbibigay siya ng lupa sa mga taong sumusuporta sa
kanya,ang mga taong ito ay tapat na panunungkulan sa hari
- Noble o Dugong Bughaw -Sila
ay ang nobles,barons,at bishops,sila ay nagiging vassal ng hari dahil sila
ay nabibigay suporta,pera at payo sa hari
- Ang basalyo o vassal ay ang
mga taong tumatanggap ng lupa mula sa lord,maari ring dugong-bughaw
- Fief - Lupang ipinagkaloob sa isang
basalyo o vassal
- Homage o seremonya kung saan
inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng kamay ng lord at
mangangako na siya ay magiging tapat na tauhan nito
- Investure-ang seremonya kung
saan bibigyan ng lord ang vassal ng tingkal ng lupa at gamit ang espada
ipapatong niya ito sa balikat ng vassal
- Oath of Fealty - I promise on my faith that I
will in the future be faithful to the lord never cause him harm and will
observe my homage to him completely against all persons in good faith
without deceit
- Kapag naisagawa na ng lord
at ng vassal ang Oath of Fealty sa isa’t isa ,gagampanan nila ang
tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin ng lord sa vassal na
suportahan ang pangangailangan nito sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief.
Tungkulin din ng lord na ipagtanggol sila laban sa mga kaaway at maglapat
ng nararapat na katarungan sa lahat ng alitan.
- Tungkulin naman ng vassal sa
hari na magkaloob ng serbisyong pang-militar. Magbigay ng ilang kaukulang
pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan.
Tungkulin din na tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry
ng panganay na dalaga ng lord at para sa gagastusin ng seremonya ng
pagiging knight ng panganay na lalaking lord.
- Knight - Ang kabalyero ay
mula sa salitang Pranses na “cheval”,para sa kabayo,”chevalier”,para sa
mandirigmang nakasakay sa kabayo.Ang mga nagnanais maging kabalyero ay
dumadaan sa pagsasanay ayon sa kodigo ng papaging kabalyero.Nakapaloob sa
kodigo ang kagandahang asal,katapangan,kahinahunan,pagiging marangal,at
maginoo lalong-lalo na sa nakakataas. Isang magandang alaala ng pyudalismo
ang sistemang kabalyero(KNIHGTHOOD).Ito ay propesyon na pinagpala ng
simbahan.Tungkulin nila ang ipagtanggol at ipatupad ang Kristiyanismo.
- Proseso sa Pagiging Knight -
Mula sa panganak hanggang 7 taong gulang,siya ay nasa pangngalaga ng ina
Pagsapit ng 14 taong gulang siya ay ipapadala sa isa pang lord para maging
PAGE.Sasanayin sa paggamit ng sandata at pagsakay sa kabayo Bilang
squire,tungkulin niyang sumama sa kanyang master sa mga tournament.21
taong gulang siya ay ganap na KNIGHT Habang bata siya ay tatanggap ng
pagsasanay upang maging isang ganap at malakas na knight balang araw
- Mga Alintuntunin sa Kilos at
Asal ng Knight Ang knight ay isang mandirigmang sanay sa pagsakay sa
kabayo at sumumpa ng katapatan sa kanyang LordLayunin ng knight sa
pakikidigma ay gawing bilanggo ang kalaban ng lord upang mapilitan ang
kanyang vassal na magbayad ng malaking pantubos.
- Chivalry-tawag sa
alintuntunin sa kilos at asal na sinusunod ng isang magiting na knight. Ito ay dakilang gawain ng
mga knight at kinakailangang sundin
- Mga Alintuntunin sa Kilos at
Asal ng Knight Ang knight ay tapat at magalang.Siya ay kilala sa pagiging
matapang at malakas.Hindi niya inaalintana ang anumang hirap.Sa harap din
ng kanyang kasamahan,siya ay isang tunay na kaibigan at likas na pinuno.
Ang knight ay nakasuot ng chain mail o isang uri ng baluti na binubuo ng
magkakabit na bakal upang bigyan siya ng proteksyon nito pag may
digmaan.Mahalaga sa kanya ang galing sa paggamit ng espada at ang
pagsasakay sa kabayo.
- Panitikan Tungkol sa
Chivalry Chanson de geste-tawag sa panitikan ng chivalry Ito ay tungkol sa
mga:dakilang gawain ng knight,dangal at panlilinlang,pag-ibig at digmaan
at tagumpay at pagkatalo
- Noong ika-12 siglo,sinulat
ni Chretien de Troyes ang buhay ni King Arthur at ang mga knight ng Round
Table. Sinulat naman ng isang German na si Gottfried von Strassburg ang
trahedyang pag-iibigan nina Tristan at Isolde
18. The song of Roland - Ito ay ang paboritong chanson ng mga French na ukol
sa pakikibaka ni Roland at ng Twelve Peer,ang mga pinakatapat na vassal ni
Charlemagne
Ayon sa aking pagsusuri ang pyudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain, na aking napansin pagdating pa lamang sa salitang pinaghanguan nitong feodus o fief at pati na rin sa kahulugan ng pyudalismo na agrikultura. Napansin ko rin na napakalaki ng halaga ng lupa sa kanilang sistema dahil nagagamit nila ito upang sila ay mabigyan ng proteksiyon at upang may maglingkod sa kanila ng tapat. Ang hari ay nagbibigay ng lupa sa basalyo upang sya ay bigyan nito ng proteksiyon. Halimbawa na lang ng nasa numerong 1 kung saan nakasaad ang sistema ng pamamalakad ng lupain, kung saan nanunungkulang ang vassal ng tapat sa pagbibigay ng proteksiyon sa kanyang hari. Nararapat lang na maging isang magandang alaala ng pyudalismo ang sistemang kabalyero dahil ang mga kabalyero o mga knight ay dumaan sa masusing pagsasanay bago sila maging opisyal na knight na labis namang ikinaganda ng sistemang pyudalismo. Bilang isang mag-aaral labis kong ipinagmamalaki ang mga knight dahil sa kanilang tungkuling ipagtanggol at ipatupad ang kristiyanismo. Napansin ko rin na ang mga basalyo sa sistemang pyudalismo ay napaka-importante sapagkat nakasalalay sa kanila ang gawaing pampulitika at pangkabuhayan at sila ang nagbibigay proteksyon sa mga lord o mga dugong-bughaw sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng lupa sa kanila. Sa aking palagay ang sistemang pyudalismo ay isang magandang sistema dahil ito ay binubuo ng tatlong bahagi na politikal, sosyo-ekonomiko at militar.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento