Ang salitang
bourgeoisie ay tumutukoy sa mga malalayang tao sa Europa noong gitnang panahon.
Ang burgesya (Ingles: bourgeoisie na nagiging bourgeois sa anyong pang-uri, Kastila: burguesía "burzua/sei":spain) ay mga taong nasa gitnang
antas ng lipunan na naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya. Dumami ang
ganitong mga uri ng tao noong Panahon ng
Eksplorasyon. Kasingkahulugan ang burgesya ng pariralang mga kapitalista (tingnan ang kapitalismo), mga nangangapital, mga namumuhunan (tingnan ang kapital o puhunan) at mangangalakal. Ayon sa teoriya
ni Karl Marx, ang mga burges ang katunggali ng mga proletaryo.
Marami akong natutunan
tungkol sa mga bourgeoisie. Ito pala ay ang mga nasa gitnang antas ng lipunan
na naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya na katulad din satin,
may mga taong nagiging maimpluwensya at makapangyarihan sa ating ekonomiya.
Ayon sa aking pagsusuri ang mga bourgeoisie ay mayayaman aking itong napansin
dahil sa mga impormasyong aking nakalap na kung ating susuriin ay makikita
natin. Napansin ko sa una pa lang na sila ay mayayaman dahil kung ating
susuriin nakalimbag sa aking mga impormasyong nakalap na ang mga bourgeoisie ay
malalayang tao na kung i-kukumpara mo sa mga alipin sila ay hindi malaya. Sa
aking palagay kung ako ay magiging bourgeoisie, hindi magiging mahirap ang
pamumuhay ko sa Europa noong gitnang panahon dahil ako ay Malaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento