Martes, Disyembre 12, 2017

Renaissance


Resulta ng larawan para sa renaissance

-Nangangahulugang “muling pagsilang” o “rebirth”
-nOong ika-14 siglo
-Pagbabalik ng kulturang klasikal
-Pagbabalik ng kulturang Greek at Roman
-Ito ay bahagi ng kasaysayan kung saan nagising ang kamalayan na tao sa Europa at naghangad ng mas mataas na antas ng karunungan.
-Ang Renaissance din ang naglapit sa mga tao at sa kanilang pilosopiya at mga kakayanan. 
 Ang Renaissance ang naging daan sa pagpapaunlad ng kulturan ng iba’t-ibang tao sa daigdig lalo na ang mga Europeo. Pinaunlad ng Renaissance ang sining, pilosopiya at ang edukasyon. Patuloy pa ring hinahangaan ang kagandahan at ang mga likhang sining ng panahong ito. Nagsilbi itong daan tungo sa rebolusyong intelektuwal. Bukod dito, maraming mga bagong konsepto ang tuluyang nabuo at napakinabangan ng tao. Naging daan din ang Renaissance upang matuklasan, maunawaan at matutunan ng mga taon na mayroong iba pang lupain na may angking kayamanan tulad ng kanilang mga bansa. Panghuli, ang Renaissance ay nagsilbing salik ng repormasyon o sa rebolusyong panrelihiyon.

Marami akong natutunan sa panahon ng renaissance. Ayon sa aking mga nakalap na impormasyon pinaunlad ng renaissance ang sining, pilosopiya at edukasyon. Napag-alaman ko na hanggang sa kasulukuyang panahon ay patuloy pa ring hinahangaan ang mga likhang sining sa kanilang panahon. Bilang isang mag-aaral masasabi ko na ang renaissance ay talagang kapaki-pakinabang at maraming magandang naidulot hanggang ngayon. Napag-alaman ko rin na nagsilbing daan ang renaissance upang matuklasan, maunawaan at matutunan ng mga tao na mayroong iba pang lupain na may angking kayamanan. Kaya aking napagtanto na maraming magandang naidulot ang panahong renaissance satin.

Repormasyon


Resulta ng larawan para sa repormasyon

Ang Repormasyon ay naganap noong ika-16 na siglo at itinuturing na mahalagang bahagi ng ating kasaysayan. Iminulat nito ang mga tao sa tila hindi maiwaksi-waksing ugnayan ng simbahan at ng estado. Ito ay tumutukoy sa krisis panrelihiyon na kung saan ibinaling ng mga dating Katoliko ang kanilang paniniwala sa ibang relihiyon o sekta. Sa ibang relihiyon o sekto na ito, pangunahing ipinatupad ang pagsunod sa mga utos sa kasulatan o Bibliya. Binigyang diin din ang pagpapanatili ng malinis at kapuri-puring pagkatao ng kanilang mga miyembro lalo na ang kanilang mga pinuno. Ang mga sumusunod ang sinasabing mga dahilan ng pag-usbong ng repormasyon: Paghina ng kapangyarihan ng mga Santo Papa dahil na rin sa pagtutunggalian ng mga ito sa kapangyarihan at pagpapahayag ng mga kautusan, pagkamulat ng mga tao bunsod ng panahon ng Renaissance, Pagtuligsa ng ilang grupong kabilang sa estado sa kapangyarihan ng Santo Papa at ng simbahan.


Si Martin Luther ay isang mongheng Augustinian na isinilang sa Alemanya. Siya ay nakapagtapos sa Unibersidad ng Erfurt at naging propesor sa Unibersidad ng Wittenberg. Ang unang-una niyang tinuligsa sa simbahan ay ang itinuro nitong konsepto sa mga tao ukol sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa. Tinuligsa niya ang mga maling panuntunan ng simbahan gaya ng idulhensiya ay sinasabing kabawasan ng kaparusahan sa purgatoryo. Ipinalabas niya ang kanyang Ninety-Five Theses na tumutukoy sa 95 puntos laban sa mga gawain at paniniwalang Katoliko. Tinuligsa rin dito ang pang-aabuso ng simbahan sa mga salaping nalilikom nito. Dahil dito, binansagang erehe si Luther. Naging matigas si Luther dahil sa kanyang paniniwalang ang Bibliya ang tunay na batayan ng pananampalataya at hindi ang mga utos ng Santo Papa. Dahil na rin sa Kanyang magaling na pagtatalumpati, maraming taong yumakap sa paniniwalang Lutheranismo.


Marami akong natutunan at napag-alaman ko na ang repormasyon pala ang dahilan kung bakit naghati ang simbahang kristiyano. Ayon sa aking mga impormasyon na nakalap ang repormasyon pala ay itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng ating kasaysayan. Napag-alaman ko na ito ay tinuturing na krisis panrelihiyon dahil sa pagbaling ng mga dating katoliko ng kanilang paniniwala sa ibang relihiyon o sekto. Bilang isang mag-aaral masasabi ko na ang repormasyon ay may magandang naidulot sa relihiyong kristiyano dahil namulat ang mga tao sa kanilang mga maling paniniwala ng mga dating katoliko. Masasabi ko rin na meron itong mga magagandang naidulot sating mga kristiyano, dahil sa aking palagay malaki ang naitulong nito sa mga kristiyano sa kasulukuyang panahon dahil naimulat nila ang kanilang mga sarili sa paniniwala sa tanging bibliya lamang.


Lunes, Disyembre 11, 2017

Merkantilismo


Resulta ng larawan para sa merkantilismo

Ito ang namayaning kaisipan pang- ekonomiya na gumagabay sa mga patakaran ng maraming bansa sa daigdig noong unang panahon. Isinusulong nito ang kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak dahil sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang pinuno sa dami ng ginto at pilak. Nagkaroon ng MERKANTILISMO dahil sa paniniwala ng mga Europeo na may malaking magagawa ang ginto at pilak sa katuparan ng kanilang mga adhikain. Nagsimula ang Merkantilismo noong ika-16 hanggang ika- 18 siglo.Ito ay batay sa konsepto na ang yaman ng bansa ay nasa dami ng Ginto at Pilak. Umunlad ang komersyo sa France dahil ipinatupad ni Jean Baptiste Colbert ang merkantilismo. Kinailangan nila ng maraming magtatrabaho sa kanilang mga taniman na halos isang pamayanan. Nagwakas ang kalakalan ng mga alipin pagkatapos ng digmaang sibil noong 1861-1865.


Natutunan ko na ang merkantilismo ay kaisipan pang-ekonomiya na umiikot lamang sa dami ng ginto at pilak. Bilang mag-aaral tutol ako sa ganitong uri ng kaisipan sapagkat mas binibigyan nila ng halaga ang mga ginto at pilak. Kung ako ay nasa panahong ito sisikapin ko na baguhin ang kanilang pananaw sapagkat mali ang ganitong uri ng pananaw. Bilang isang mag-aaral masasabi ko na hindi ito makatarungan at hindi magandang uri ng pananaw na sa dami ng ginto at pilak ng isang pinuno masusukat ang kanilang kapangyarihan. Tutol ako sa ganitong uri ng pananaw dahil bilang isang tao hindi tama na sukatin ang kapangyarihan at pamumuno ng ibang tao base sa dami ng kanilang ginto at pilak o mga salapi. Marami akong natutunan sa merkantilismo at natutuwa ako dahil nailabas ko ang aking mga saloobin dito. Ang mga nakasulat kong repleksyon ay mga opinyon lamang at hindi dapat seryosohin.





Bourgeoisie

Resulta ng larawan

Ang salitang bourgeoisie ay tumutukoy sa mga malalayang tao sa Europa noong gitnang panahon. Ang burgesya (Ingles: bourgeoisie na nagiging bourgeois sa anyong pang-uri, Kastila: burguesía "burzua/sei":spain) ay mga taong nasa gitnang antas ng lipunan na naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya. Dumami ang ganitong mga uri ng tao noong Panahon ng Eksplorasyon. Kasingkahulugan ang burgesya ng pariralang mga kapitalista (tingnan ang kapitalismo), mga nangangapital, mga namumuhunan (tingnan ang kapital o puhunan) at mangangalakal. Ayon sa teoriya ni Karl Marx, ang mga burges ang katunggali ng mga proletaryo.

Marami akong natutunan tungkol sa mga bourgeoisie. Ito pala ay ang mga nasa gitnang antas ng lipunan na naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya na katulad din satin, may mga taong nagiging maimpluwensya at makapangyarihan sa ating ekonomiya. Ayon sa aking pagsusuri ang mga bourgeoisie ay mayayaman aking itong napansin dahil sa mga impormasyong aking nakalap na kung ating susuriin ay makikita natin. Napansin ko sa una pa lang na sila ay mayayaman dahil kung ating susuriin nakalimbag sa aking mga impormasyong nakalap na ang mga bourgeoisie ay malalayang tao na kung i-kukumpara mo sa mga alipin sila ay hindi malaya. Sa aking palagay kung ako ay magiging bourgeoisie, hindi magiging mahirap ang pamumuhay ko sa Europa noong gitnang panahon dahil ako ay Malaya.




Sabado, Disyembre 9, 2017

Manoryalismo

  1. Katapat ito ng pyudalismo.Ito ay sistemang gumagabay sa sa paraan ng pagsasaka ,sa buhay ng magbubukid at ugnayan sa lord ng manor Ang manoryalism o manoryalismo ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang magbubukid ay nagbibigay serbisyo sa isang pyudal na hari o nagmamay-ari ng lupa kapalit ang proteksyon.Ang yaman ng lord ay mula sa pawi ng mga magbubukid.ibinigay nila ang kanilang lupa kapalit ang proteksyon.ang iba naman ay nawalan ng lupa dahil sa pagkakautang sa dugong-bughaw.kinalaunan,ang lupa ay napasakamay ng lord,ang mga lupaing ito ay bumuo ng isang manor
  2. Ang manor ay isang malaking lupaing sinasaka hayop ng karaniwang tao
  3.  Ang Pagsasaka ng Manor - Ang pagtatanim ay ginagawa ng magbubukid.sila ay nagtratrabaho sa lupain ng lord,3 araw sa loob ng isang Linggo Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito Three field system- sitema ng pagtatanim na sinusunod ng manor,una maaring tamnan,pangalawa gulay at pangatlo hindi tatamnan. Ang sistemang ito ay sinusunod upang mabawi ng lupa ang sustansya nito.
  4.  Alipin- ang mga alipin ay pwedeng bilhin at ipagbili tulad ng isang hayop Serf-sila ay hindi maaring umalis at paalisin sa manor.Nagsasaka sila ng walang bayad kundi kapirasong lupa at proteksyon mula sa mga knight ng kanilang lord Freeman- sila ay ang mga pinalayang alipin na kadalasang mayroong sariling lupa
  5.  Ang Nayon – sa tabi ng isinasakang ng bukid ay may isa o dalawang nayon kung saan naninirahan ang mga magbubukid ng sinasakang lupa.
  6.  Ang kastilyo ay ang tirahan ng lord,itinayo ito upang ipagtanggol laban sa kaaway
  7.  Ang mga silid ng kastilyo ay madilim,malamig at amoy amag. Sa gabi,ang lord ng kastilyo ay inaaliw ng mga payaso,bukas ang kastilyo sa mga manlalakbay dahil nag-bibigay sila ng mga balita tungkol sa ibang lugar . Sa panahon ng taglamig,iilan lamang ang napapainitan.Kadalasan ang mga silid ay napupuno ng usok. Sadyang mahaba ang antas ng kalinisan sa panahong ito. Ang kastilyo ay bukas din para sa mga tumutugtog ng musika,tumutula o umaawit tungkol sa pag-ibig,pakikisapalaran at pakikipaglaban ng mga knight.
  8.  Sapat sa Pamumuhay ng Manor - Sapat sa pangangailangan ng kanyang mamayan ang manor.Sapat sa pagkain,damit at tirahan.Ang inaalagaang tupa ay nagbibigay ng lana,ang mga kambing at baka ay nagigigay ng katad.Ang gubat ay pinagkukunan ng kahoy.Kakaunti ang karneng baka dahil salat sa dayami na ipinapakain sa baka tuwing tag- lamig.Pag namatay ang baka o masyadong mahina,kinakatay ito sa panahon ng tagalagas.Ang karneng baboy ay higit na marami dahil madali ito makahanap ng pagkain.Ang pangaraw-araw na kinakain sa manor ay dinadagdagan ng manok,prutas at mga gulay.ang gatas ay hindi ginagamit sapagkat ginagawa itong keso.Ang pangunahing inumin ay cider,serbesa at alak.

                             Sa aking palagay ang manoryalismo ay isang magandang sistema pagdating sa ekonomiya dahil ayon sa aking pagsusuri ang manoryalismo ay may sinusunod na Three Field System upang mabawi ng lupa ang sustansiya nito. Napag-alaman ko rin na ang manor ay isang malaking bahagi ng lupa. Ayon sa aking pagsusuri na sa sistemang manoryalismo ang lupa ay may malaking halaga sa kanila. Bilang isang mag-aaral masasabi ko na hindi makatarungan ang ang sistemang manoryalismo base sa estado o istraktura ng tao sa kanilang lipunan pagdating sa mga alipin dahil inaalipusta nila ang mga alipin na parang mga hayop sa pamamagitan ng pagbili at pagbenta nila dito. Ayon sa aking mga pagsusuri ang sitemang manoryalismo ay nararapat lang na hindi nagtagal ng mahabang panahon.

Pyudalismo

  1. Feudalism o Pyudalismo • Ito ay hango sa salitang “feodus” o “fief”,salitang tumutukoy sa lupa na ibinigay sa unang basalyo (vassal) . • Isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ay ibabahagi sa vassal at bibigyan ng proteksyon,at bilang kapalit manunungkulan ang vassal ng tapat at pagsisilbihan ang kanyang hari.
  2. King o Hari - Pinakamataas sa lipunan ng pyudalismo.Tawag din na liege o suzerain,siya ang nagmamay-ari ng lupa.Nagbibigay siya ng lupa sa mga taong sumusuporta sa kanya,ang mga taong ito ay tapat na panunungkulan sa hari
  3.  Noble o Dugong Bughaw -Sila ay ang nobles,barons,at bishops,sila ay nagiging vassal ng hari dahil sila ay nabibigay suporta,pera at payo sa hari
  4.  Ang basalyo o vassal ay ang mga taong tumatanggap ng lupa mula sa lord,maari ring dugong-bughaw
  5. Fief - Lupang ipinagkaloob sa isang basalyo o vassal
  6.  Homage o seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng kamay ng lord at mangangako na siya ay magiging tapat na tauhan nito
  7.  Investure-ang seremonya kung saan bibigyan ng lord ang vassal ng tingkal ng lupa at gamit ang espada ipapatong niya ito sa balikat ng vassal
  8. Oath of Fealty - I promise on my faith that I will in the future be faithful to the lord never cause him harm and will observe my homage to him completely against all persons in good faith without deceit
  9.  Kapag naisagawa na ng lord at ng vassal ang Oath of Fealty sa isa’t isa ,gagampanan nila ang tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin ng lord sa vassal na suportahan ang pangangailangan nito sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief. Tungkulin din ng lord na ipagtanggol sila laban sa mga kaaway at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng alitan.
  10.  Tungkulin naman ng vassal sa hari na magkaloob ng serbisyong pang-militar. Magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan. Tungkulin din na tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gagastusin ng seremonya ng pagiging knight ng panganay na lalaking lord.
  11.  Knight - Ang kabalyero ay mula sa salitang Pranses na “cheval”,para sa kabayo,”chevalier”,para sa mandirigmang nakasakay sa kabayo.Ang mga nagnanais maging kabalyero ay dumadaan sa pagsasanay ayon sa kodigo ng papaging kabalyero.Nakapaloob sa kodigo ang kagandahang asal,katapangan,kahinahunan,pagiging marangal,at maginoo lalong-lalo na sa nakakataas. Isang magandang alaala ng pyudalismo ang sistemang kabalyero(KNIHGTHOOD).Ito ay propesyon na pinagpala ng simbahan.Tungkulin nila ang ipagtanggol at ipatupad ang Kristiyanismo.
  12.  Proseso sa Pagiging Knight - Mula sa panganak hanggang 7 taong gulang,siya ay nasa pangngalaga ng ina Pagsapit ng 14 taong gulang siya ay ipapadala sa isa pang lord para maging PAGE.Sasanayin sa paggamit ng sandata at pagsakay sa kabayo Bilang squire,tungkulin niyang sumama sa kanyang master sa mga tournament.21 taong gulang siya ay ganap na KNIGHT Habang bata siya ay tatanggap ng pagsasanay upang maging isang ganap at malakas na knight balang araw
  13.  Mga Alintuntunin sa Kilos at Asal ng Knight Ang knight ay isang mandirigmang sanay sa pagsakay sa kabayo at sumumpa ng katapatan sa kanyang LordLayunin ng knight sa pakikidigma ay gawing bilanggo ang kalaban ng lord upang mapilitan ang kanyang vassal na magbayad ng malaking pantubos.
  14. Chivalry-tawag sa alintuntunin sa kilos at asal na sinusunod ng isang magiting na knight. Ito ay dakilang gawain ng mga knight at kinakailangang sundin
  15.  Mga Alintuntunin sa Kilos at Asal ng Knight Ang knight ay tapat at magalang.Siya ay kilala sa pagiging matapang at malakas.Hindi niya inaalintana ang anumang hirap.Sa harap din ng kanyang kasamahan,siya ay isang tunay na kaibigan at likas na pinuno. Ang knight ay nakasuot ng chain mail o isang uri ng baluti na binubuo ng magkakabit na bakal upang bigyan siya ng proteksyon nito pag may digmaan.Mahalaga sa kanya ang galing sa paggamit ng espada at ang pagsasakay sa kabayo.
  16.  Panitikan Tungkol sa Chivalry Chanson de geste-tawag sa panitikan ng chivalry Ito ay tungkol sa mga:dakilang gawain ng knight,dangal at panlilinlang,pag-ibig at digmaan at tagumpay at pagkatalo
  17.  Noong ika-12 siglo,sinulat ni Chretien de Troyes ang buhay ni King Arthur at ang mga knight ng Round Table. Sinulat naman ng isang German na si Gottfried von Strassburg ang trahedyang pag-iibigan nina Tristan at Isolde

18.  The song of Roland - Ito ay ang paboritong chanson ng mga French na ukol sa pakikibaka ni Roland at ng Twelve Peer,ang mga pinakatapat na vassal ni Charlemagne
            

                           Ayon sa aking pagsusuri ang pyudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain, na aking napansin pagdating pa lamang sa salitang pinaghanguan nitong feodus o fief at pati na rin sa kahulugan ng pyudalismo na agrikultura. Napansin ko rin na napakalaki ng halaga ng lupa sa kanilang sistema dahil nagagamit nila ito upang sila ay mabigyan ng proteksiyon at upang may maglingkod sa kanila ng tapat. Ang hari ay nagbibigay ng lupa sa basalyo upang sya ay bigyan nito ng proteksiyon. Halimbawa na lang ng nasa numerong 1 kung saan nakasaad ang sistema ng pamamalakad ng lupain, kung saan nanunungkulang ang vassal ng tapat sa pagbibigay ng proteksiyon sa kanyang hari. Nararapat lang na maging isang magandang alaala ng pyudalismo ang sistemang kabalyero dahil ang mga kabalyero o mga knight ay dumaan sa masusing pagsasanay bago sila maging opisyal na knight na labis namang ikinaganda ng sistemang pyudalismo. Bilang isang mag-aaral labis kong ipinagmamalaki ang mga knight dahil sa kanilang tungkuling ipagtanggol at ipatupad ang kristiyanismo. Napansin ko rin na ang mga basalyo sa sistemang pyudalismo ay napaka-importante sapagkat nakasalalay sa kanila ang gawaing pampulitika at pangkabuhayan at sila ang nagbibigay proteksyon sa mga lord o mga dugong-bughaw sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng lupa sa kanila. Sa aking palagay ang sistemang pyudalismo ay isang magandang sistema dahil ito ay binubuo ng tatlong bahagi na politikal, sosyo-ekonomiko at militar.